Tiniyak ng Malacañang na nakatuon pa rin ang pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi City kahit hindi ito nabanggit sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy ang pagbangon ng lungsod.
Iminungkahi niya na magsagawa ng briefing sa Marawi para maipakita ang pag-usad ng rehabilitasyon doon.
Ang National Housing Authority ay nakapagtayo ng 2,659 transitional housing units para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan kasunod ng limang-buwang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at teroristang Maute noong 2017.
Nasa 2,138 units ang okupado ng mga apektadong pamilya.
Inaasahang makukumpleto ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng ilang lugar sa Marawi sa Disyembre 2021.