Roxas City – Kinumpirma ni Mambusao Mayor Leodegario Jun Labao Jr. na may ibibigay na tulong pinansyal ang pamahalaan sa pamilya na naiwan ni Sgt. Throlen Lago na namatay dahil sa “friendly fire” mula sa Philippine Air force sa Marawi City.
Ayon sa alkalde, nasa kalahating milyong piso ang ipinangakong financial assistance ng national government na ibibigay sa pamilya ni Sgt. Lago kasunod ng pagbisita ni Mrs. Jocelyn M. Cabania, representante mula sa Department of Interior and Local Government.
Maliban sa tulong pinansyal, bibigyan din ng trabaho sa DILG ang asawa ni Sgt. Lago kahit hindi ito pasado sa Civil Service examination.
Nagbigay rin ng tulong ang pamahalaang lokal ng bayan ng Mambusao at Capiz Provincial Government.
Kinilala rin ng alkalde ang kabayanihan ni Sgt. Throlen Lago na nagbuwis ng kanyang buhay para sa bayan laban sa Maute Terror Group sa Mindanao. Si Sgt. Lago ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa Brgy. Tumalalod, Mambusao, Capiz.