Pamahalaan, nangangamba sa magiging epekto ng La Niña sa produksyon ng pagkain sa bansa

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na natatakot sila sa posibleng maging epekto ng malalakas na bagyo at La Niña sa produksyon ng pagkain sa bansa.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni Laurel na nitong nagdaang El Nino, pa nga lamang ay bumaba talaga ang rice production sa unang kalahating taon dahil sa sobrang init.

May pera naman aniya ang pamahalaan para magtanim at inaasahan niyang mababawi ang mga nawala noong unang kalahati ng taon, basta’t huwag lamang tamaan ng malakas na bagyo ang bansa.


Kaugnay nito ay magpatutupad ng emergency procurement ang ahensya para sa mga backhoe at bulldozers na ipakakalat sa mga binabahang lugar.

Ito’y para mabawasan daw ang epekto ng mga pagbaha sa huling yugto ng taon.

Bukod dito, pinalalakas na rin ng DA ang insurance sa mga palayan para sakaling tamaan ng malakas na bagyo ang taniman, mabigyan agad ng pera ang mga magsasakang nagparehistro ng kanilang mga pananim, at may magamit sa muling pagtatanim.

Facebook Comments