Pamahalaan, nangangamba sa posibleng epekto ng ipinataw na 20% tariff ng Amerika sa Pilipinas; Economic team ng administrasyon, babiyaheng US sa susunod na linggo para makipag-negosasyon

Nagpahayag ng pangamba si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go sa naging desisyon ng Amerika na magpataw ng 20% tariff o buwis sa mga inaangkat na produkto mula sa Pilipinas.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Go na maaaring makaapekto ang hakbang na ito sa competitiveness o kakayahang makipagsabayan ng mga Pilipinong produkto sa US market.

Ayon pa kay Go, bagama’t mataas ito kumpara sa kasalukuyang kondisyon, ito ang ikalawang pinakamababa sa buong rehiyon kasunod lamang ng Singapore na may 10% tariff.

Sa kabila nito, iginiit ni Go na nananatiling committed ang administrasyong Marcos sa patuloy na negosasyon, upang mapangalagaan ang interes ng bansa at maprotektahan ang trade competitiveness ng mga Pilipinong exporter.

Facebook Comments