Naniniwala ang National Maritime Council (NMC) na hindi mali na piliin ng Pilipinas ang mapayapang resolusyon sa pagresolba sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagiging agresibo ng China Coast Guard (CCG) laban sa mga barko ng Pilipinas.
Ayon kay National Maritime Council (NMC) Spokesperson retired Vice Admiral Alexander Lopez, kailanman ay hindi magiging mali ang hakbang ng Pilipinas kung ang diplomatic approach ang ipatutupad.
Hindi rin umano magdudulot ng magandang interes para sa bansa kung tutugunan ng pwersa ang China.
Dagdag pa ni Lopez, malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resolbahin ang isyu sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan na hindi gumagamit ng pwersa.
Ang Pilipinas ay compliant sa code of conduct na nilagdaan ng Pilipinas noong 2002.