Pamahalaan, natututo rin mula sa mga ilang problema sa vaccination – Malacañang

Iginiit ng Malacañang na hindi perpekto ang pamahalaan sa pagpapatupad ng vaccination protocols matapos magkaroon ng ‘breaches’ o pagpapabakuna ng ilan na hindi kasama sa priority list.

Lumalabas sa mga ulat na sina Interior Undersecretary Jonathan Malaya at MMDA Chief of Staff Michael Salalima ay nagpabakuna na sa isinagawang rollout sa isang ospital sa Pasay City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natuto na nila sa insidente kung saan dalawang government officials ang nagpaturok na ng COVID-19 vaccine kahit prayoridad ang mga healthcare workers.


“Okay, hindi po tayo perfect sa pagpapatupad nitong protocol, nagkaroon tayo ng kakaunting breaches pero we have learned from the breaches and not everyone knows medical frontliners muna,” sabi ni Roque.

Pero nilinaw ni Roque na hinikayat na ang dalawang government official ng mga staff ng ospital na magpabakuna.

Ginawa rin nina Malaya at Salalima ito para maitaas ang tiwala sa bakuna.

“The two naman, in good faith, thought that they were doing the nation a service by having themselves vaccinated kasi nga mataas pa iyong tinatawag nating distrust sa bakuna,” dagdag pa ni Roque.

Gayumpaman, aminado si Roque na hindi maayos na nasusunod ang vaccine priority list.

Facebook Comments