Inatasan ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares ang kanyang Budget Officer na kumalap ng budget para sa mga hindi nabibigyan ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Mayor Ynares, aminado ang alkalde na kapos sila sa oras para makumpleto ang pamamahagi ng ayuda para sa unang batch ng mga benepisyaryo ng SAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Paliwanag ng alkalde, halos nangangalahati pa lang sa target sa 89,000 na mabigyan ng tulong dahil nagkaroon sila ng problema sa DSWD National Validators na nag-cross match ang mga listahan ng beneficiaries dahil mayroong nagkasakit umano na DSWD worker kaya naudlot ang pagproseso, at kakaunti lang ang mga DSWD worker kaya bumagal ang pag-review ng SAC forms.
Giit ni Ynares, gagawa sila ng paraan upang makapagpamahagi sa mahigit na 2,000 benepisyaryo ng tig-₱6,500 bawat isang pamilya at huwag umanong mag-alala ang pinakamahirap na hindi mapapasama sa listahan dahil tuloy pa rin ang relief operations para sa kanila.