Pamahalaan ng Japan, magbibigay ng 4.2 million dollar sa mga lugar ng bansa na nasalanta ng Bagyong Odette

Inihayag ng pamahalaan ng Japan na magdo-donate ito ng $4.2 million na halaga ng pera para sa Central Visayas, Eastern Visayas at CARAGA Region, ito ang mga lugar sa bansa na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette noong nakaraang taon.

Batay sa ulat ng Embahada ng Japan dito sa bansa, inutusan na ng Japanese government ang International Organization for Migration (IOM) ng Geneva, Switzerland upang dalhin ang kanilang tulong dito sa bansa.

Sa 4.2-million-dollar na tulong ng Japan, mabibigyang Shelter Repair Kits o SRK ang 2,420 households o 12,100 individuals at pagsasanay kaugnay sa Build Back Safer construction techniques para sa 3,682 community members, kasama na ang 2,420 household SRK beneficiaries.


Makakatanggap din ng Camp Coordination and Camp Management assistance ang 4,000 katao na nawalan ng bahay na nananatili ngayon sa 20 evacuation centers.

Magtatayo rin ng Operation of Mobile Health Clinics sa 90 communities.

Magbibigay rin ng orientation on peer support para sa 600 community leaders, psychological first aid sessions para sa 800 government frontliners, at mental health and psychosocial support sessions para sa 6,000 community members.

Ang apat na health facilities ay mabibigyan din Emergency medical equipment at emergency health kits para sa 200 communities.

Aabot ng 64,681 individuals ang makakatanggap ng nasabing tulong sa pamamagitan ng IOM, Catholic Relief Services at CARE Philippines.

Nangako naman ang pamahalaan ng Japan sa patuloy itong makikipagugnayan sa bansa upang mapabilis ang pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Facebook Comments