Pamahalaan ng Qatar, tutulong din sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette

88

Tutulong na rin ang pamahalaan ng Qatar sa rehabilitasyon ng mga lugar sa Visayas at Mindanao na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Inatasan na ng Qatari Government ang kanilang Minister of Interior Government na makipag-ugnayan sa counterpart nito sa Pilipinas.

Layon nito na mapabilis ang pag-facilitate ng pagpasok sa Pilipinas ng humanitarian assistance ng Qatar.


Ang tulong ng Qatar ay bilang pasasalamat sa malaking kontribusyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Facebook Comments