Pamahalaan ni PM Theresa May, nanalo ng ‘confidence vote’ sa British parliament

Nakakuha ng “vote of confidence” ang gobyerno ni British Prime Minister Theresa May.

Sa botong 325-306, ipinakikita nito na may kumpiyansa pa ang mga mambabatas sa gobyerno ni May.

Ibig sabihin, kinakailangan ni May na makipag-usap sa mga mambabatas anuman ang partido nito para pagkasunduan kung paano aaklas ang Britanya sa European Union, lalo at ang kanyang proposal deal ay sinopla ng U.K. Parliament.


Nanindigan naman si May na hindi niya ikakansela ang Brexit.

Facebook Comments