Pamahalaan, nilinaw na rekomendasyon pa lamang ang pagpapalawig ng National Vaccination Drive kontra COVID-19

Nilinaw ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na rekomendasyon pa lamang ang nauna niyang pahayag na pagpapalawig hanggang Biyernes, Disyembre 3 ng Bakunahan, Bayanihan sa buong bansa.

Ayon kay Galvez, hihintayin pa nila ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay nito.

Gayunman, maaari naman aniyang ipagpatuloy ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang malawakang pagbabakuna kahit hindi na nila ito ipag-utos.


Nauna nang sinabi ni Galvez na ang rekomendasyon ay kasunod ng hiling ng Department of Health (DOH) regional office sa Mindanao para ma-accommodate ang mga nais pang humabol sa vaccination.

Facebook Comments