Pamahalaan, on track sa target na 750,000 food poor families sa ilalim ng Walang Gutom Program

Tuloy-tuloy ang Walang Gutom Program ng gobyerno na target tulungan ang 750,000 food poor families.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian na sa ngayon ay mahigit 300,000 pamilya na ang sakop ng programa at nakikitang bumababa ang bilang ng nagugutom.

Sa loob ng anim na buwan, bumaba ng 7.2% ang hunger rate ng mga benepisyaryo, ayon sa survey.

Pinakamalaking pagbaba ng kagutuman, naitala sa BARMM at Zamboanga Sibugay.

Kumpiyansa ang DSWD na may sapat na pondo para ipagpatuloy at palawakin ang programa hanggang maabot ang mas marami pang pamilyang nangangailangan.

Facebook Comments