Pamahalaan, pag-aaralan kung maaaring magbigay ng libreng COVID-19 test para sa lahat – Nograles

Pag-aaralan pa ng gobyerno kung kakayanin nitong magbigay ng libreng COVID-19 testing program sa lahat ng Pilipino.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, aalamin nila kung mayroon pang available na pondo sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Mahalagang malaman kung kakayanin ng PhilHealth na sagutin ang COVID-19 tests ng lahat ng mamamayan.


Ipinauubaya na ni Nograles sa Department of Health (DOH) para assessment tungkol dito.

Matatandaang itinutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libreng COVID-19 tests sa mga government hospitals at health centers.

Facebook Comments