Pamahalaan, patuloy ang paghahanda sa anumang posibleng mangyari sa harap ng ginagawang nuclear testing ng North Korea

Manila, Philippne – Tinyak ng Office of the Civil Defense o OCD na ginagawa patuloy ang kanilang koordinasyon kauygnay sa ginawang hydrogen bomb testing ng North Korea at ang pagpapalitad nito ng Intercontinental Ballistic Missiles.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni OCD Assistant Secretary Kris James Purisima na nakikipag-ugnayan na sila sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at sa mga lokal na pamahalaan para matiyak na handa at ligtas ang ating mamamayan sa anomang posibleng mangyari sa harap na rin ng mga ginagawa ng North Korea.

Paliwanag pa ni Purisima na mayroon nang mga nakahandang contingency plan ang pamahalaan para matiyak na handa ang mga tanggapan ng pamahalaan.


Magkakaroon din aniya ng information and educational campaigns para mas maging handa ang publiko sa anumang pangyayari.
Sinabi pa nito na magpupulong ang OCD mamaya kaugnay sa nasabing isyu para pag-usapan ang mga planong ilalatag sakaling mayroong mangyaring hindi inaasahan na dulot ng mga ginagawang testing ng North Korea.

Facebook Comments