Pamahalaan, patuloy na naka-monitor sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Florida kasunod sa pananalasa ni hurricane Irma

Manila, Philippines – Mahigpit namang naka-monitor ang pamahalaan sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Florida kaugnay ito sa pagtama ng hurricane Irma.

Ito’y sa tulong honorary consolate sa Miami.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – naabisuhan na ang Filipino community doon na manatili muna sa kanilang bahay at iwasan ang pagbiyahe.


Pinapayuhan din ang mga Pinoy sa Florida na maging updated sa mga weather advisories at abiso mula sa pamahalaan ng Estados Unidos.

Facebook Comments