Wednesday, March 11, 2026

Pamahalaan, patuloy na nakikipag-ugnayan sa Portugal para mapauwi si Zaldy Co —PBBM

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa Portugal ang dating mambabatas na si Zaldy Co at kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad.

Ayon sa Pangulo, hindi maaaring basta iuwi ng Pilipinas si Co kaya humihingi ng tulong ang gobyerno sa Portugal.

Plano rin ng pamahalaan na maghain ng red notice sa Interpol habang nagpapatuloy ang koordinasyon sa Portuguese authorities para mapabalik siya sa bansa.

Nahaharap si Co sa kasong graft at malversation kasama ang 15 iba pa kaugnay ng umano’y substandard na ₱289 milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Dahil hindi siya bumabalik at hindi ibinubunyag ang kanyang kinaroroonan, itinuring siya ng korte na fugitive from justice.

Facebook Comments