Pamahalaan, patuloy sa pag-i-invest sa healthcare capacity lalo na’t nakapasok na sa bansa ang COVID-19 variant mula sa India

Kasunod ng naitalang unang dalawang kaso ng COVID-19 variant na nakapasok sa bansa mula sa India, patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang healthcare capacity.

Ito ay sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagtatayo ng quarantine at isolation facilities, pagdaragdag ng ICU beds at iba pang mga kagamitan na panlaban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tunay ngang mas murang mag-invest sa pag-i-improve ng healthcare capacity kaysa tuluyang isara ang ekonomiya.


Kasunod nito, ginagawa naman aniya ang lahat ng pamahalaan ang mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 variant mula sa India na pinaniniwalaang mas mabilis makahawa at mas nakamamatay.

Sa katunayan, sinabi ni Roque na ang mga biyahero na dumating sa India kamakailan at iba pang mga karatig bansa ay inoobligang sumailalim sa strict 14-day quarantine kahit pa negatibo sila sa virus.

Patuloy pa rin aniya ang pag-iral ng travel ban sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka.

Ang pinaka-importante aniya ay ang patuloy na pagsunod sa health and safety protocols at samantalahin ang pagpapabakuna lalo na kapag kabilang sa priority list.

Facebook Comments