Pamahalaan, pinabubuo ng inter-provincial security corridor sa buong rehiyon

Manila, Philippines – Umapela ang Provincial Crisis Management Committee in Marawi City sa pamahalan na bumuo ng inter-provincial security corridor.

Ito’y kasunod na rin ng umano’y bantang pag-atake ng isis sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon kay Assemblyman Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Provincial Crisis Management Committee, nais nilang matiyak na hindi magagamit ng mga teroristang daanan ang boundary ng Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental at Maguindanao.


Sinabi pa ni Adiong na welcome sa kanila ang dagdag na pwersa ng tropa ng gobyerno basta’t hindi ito lalabag sa karapatang pantao.

Facebook Comments