Pamahalaan, pinagagamit ng mas epektibong approach laban sa mga barko ng China na patuloy na pumapasok sa teritoryo ng bansa

Iginiit ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada na kailangan ng gumamit ng pamahalaan ng matatag na pamamaraan laban sa pagpasok ng mga barko ng China sa ating exclusive economic zone (EEZ).

Kaugnay ito sa pagbabalik ng monster ship ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea.

This slideshow requires JavaScript.


Ayon kay Estrada, kailangang maging proactive, united at gumamit ng tuloy-tuloy na approach ang gobyerno para protektahan ang mga karapatan at tiyakin ang kaligtasan ng mga tao.

Ipinunto ni Estrada na nasa panig ng bansa ang mga legal na batayan para ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea tulad ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) noong 2016 kung saan itinataguyod nito ang karapatan sa soberenya ng Pilipinas sa mga maritime areas sa West Philippine Sea.

Bukod dito, patuloy din na kinikilala ng Senado ang tindi ng hakbang ng China laban sa Pilipinas kung saan noong August 2023 ay nagpasa ng resolusyon ang mataas na kapulungan na kumukundena sa patuloy na panghaharass ng China sa ating mga mangingisda.

Facebook Comments