Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang mas maluwag na Alert Level 1 at kalaunan ay paglipat ng pandemya ng COVID-19 sa endemic state.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Alert Level 1 ang magiging ‘new normal’ sa bansa.
Ibig sabihin, idinedeklara ito kapag mababa na ang hawaan ng virus at bumababa na ang bed utilization at intensive care unit utilization rates.
Paliwanag pa ni Vergeire, sa ilalim ng new normal ay magiging specific ang mga restriksyon at ipatutupad na lamang sa may ‘high risk of infection’.
Habang aalisin na rin ang bilang ng kapasidad sa mga establisimyento – indoor man o outdoor.
Sa kabila nito, iginiit ni Vergeire na mananatili pa rin ang pagsusuot ng face mask at physical distancing kahit luwagan na ang restriksyon sa bansa.