Pamahalaan, pinaghihinay-hinay sa pagbaba ng Alert Level sa NCR

Pinaghihinay-hinay ng grupo ng mga doktor ang pamahalaan sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pahayag ng Department of Health (DOH) na posibleng ibaba sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) kung bababa pa ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin, maituturing pa ring mataas ang kaso kahit na hindi na ito lalagpas sa 1,000.


Aniya, dumarami na rin ngayon ang mga tao sa labas at mas marami na ring nagsisiksikan sa closed spaces na posibleng pagmulan ng hawahan ng virus.

Maliban dito, nandyan rin aniya ang banta ng mga subvariant na dahilan ng pagtaas ng kaso sa ibang bansa.

Facebook Comments