Pamahalaan, pinaghihinay sa paggamit ng Pfizer vaccine sa mga bata

Hinikayat ng ilang mambabatas ang national government na huwag munang iturok ang Pfizer COVID-19 vaccine sa mga bata.

Ito ay matapos bigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer vaccine para iturok sa mga 12 hanggang 15 anyos.

Ayon kay 1-PACMAN Partylist Rep. Eric Pineda, hindi naman kasama ang mga bata sa malalang nadadapuan ng COVID-19 at sa ngayon ay kinokonsiderang eksperimental pa lang ang gamit nito.


Sinabi naman ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na kinakailangan pa ng mas masusing pag-aaral ukol sa bakuna para sa mga bata.

Una nang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na pag-aaralan pa rin naman ng kagawaran ito at hindi pa prayoridad ang mga kabataan para mabakunahan.

Facebook Comments