Pamahalaan, pinagko-komento na ng Korte Suprema sa petisyon na kumukwestyon sa Chico River loan agreement nito sa China

Inatasan na ng Korte Suprema ang Pamahalaan na magkomento sa petisyon ng mga miyembro ng Makabayan bloc na kumukwestyon sa ligalidad ng pinasok nitong Chico river loan agreement sa China.

 

Pinasasagot ng SC ang respondents na kinabibilangan Office of the President,  gayundin sina Exec. Sec. Salvador Midealdea, Department of Finance, NEDA, DOJ at ang National Irrigation Administration.

 

Nais ng mga petitioner na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional, iligal at walang bisa ang naturang loan agreement.


 

Naniniwala ang mga petitioner na ang biglaang implementasyon ng nasabing loan agreement ay paglabag sa konstitusyon kaya marapat nang ipawalang bisa.

 

Paliwanag ng mga petitioner, kwestyonable ang confidentiality clause ng kontrata na isang paglabag sa 1987 constitution na tumitiyak sa karapatan ng publiko na malaman ang mga kontratang pinapasok ng pamahalaan.

Facebook Comments