Pamahalaan, pinagkokomento ng SC sa petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng BSKE

Pinagkokomento ng Korte Suprema ang mga respondents sa petisyon na layong kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa naging sesyon ng Supreme Court En Banc ngayong hapon, inatasan ang respondents si Executive Secretary Lucas Bersamnin, Senado, Kamara, at Commission on Elections (COMELEC) na magkomento sa petisyon sa loob ng 10 araw.

Inihain noong nakaraang linggo ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal ang petisyon na humihiling din na maglabas ng temporary restraining order ang SC para harangin ang implementasyon.

Layon din ng petisyon ni Macalintal na atasan ang Comelec na ituloy ang paghahanda sa halalan batay sa orihinal nitong schedule.

Partikular na kinukuwestiyon ni Macalintal ang R.A 12232 na nagpapalawig sa termino ng Barangay at SK officials at nagpapaliban sa BSKE sa unang Lunes ng November 2026 sa halip na sa December 1 ngayong taon.

Facebook Comments