Pamahalaan, pinaglalatag ng “contingency plan” para sa mga OFWs sa taiwan

Pinaglalatag ni Senator Raffy Tulfo ang pamahalaan at mga kaukulang ahensya ng gobyerno ng ‘contingency plan’ para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiipit sa tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Ang suhestyon ng senador ay para makapaghanda ang Pilipinas sakaling lumala ang sitwasyon sa Taiwan kung saan libu-libong mga Pilipino ang nagtatrabaho at nakatira doon.

Hiniling ni Tulfo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Labor & Office (POLO) at Department of Foreign Affairs (DFA) na maglatag ng plano upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Taiwan at sa ibang kalapit na bansa sakaling lumala ang sitwasyon.


Sinabi pa ni Tulfo na dapat ay nakahanda na ang gobyerno sa pagpapalikas o repatriation ng mga OFWs kung mag-escalate ang sitwasyon sa gyera.

Pinaghahanda rin ang pamahalaan ng sapat na pondo para sa tulong pinansyal sa mga OFWs sa oras na sila ay makauwi sa Pilipinas.

Aabot naman sa humigit kumulang 200,000 ang mga Pilipinong nasa Taiwan.

Facebook Comments