Pinaglalatag ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pamahalaan ng hakbang para matiyak na magkakaroon ng mataas na voter turnout para sa 2022 National Elections.
Ang rekomendasyon ng kongresista ay kasunod ng resulta ng mababang turnout votes sa isinagawang plebesito sa Palawan kamakailan.
Sinabi ni Quimbo na bagamat kontrolado na ang kaso ng COVID-19 sa Palawan, nasa 50 hanggang 60 percent lang ang voter turnout kung saan mas mababa ito kumpara sa 75 percent national average voter turnout sa regular na eleksyon.
Hindi kasi aniya maitatanggi na may pag-aalinlangan pa rin ang mga bontante na lumabas at bumoto dahil sa banta ng COVID-19.
Bunsod nito, muling kinalampag ng kinatawan ang Kamara na aksyunan ang House Bill 7572 na kanyang inihain.
Sa ilalim nito, papayagan ang mga senior citizen na makaboto by mail o sa pamamagitan ng koreo.
Sa ganitong paraan aniya ay matitiyak ang ‘right to vote’ ng mga nakatatanda nang hindi nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan.