Pamahalaan, pinakikilos na sa alok ng Norway na matulungan ang bansa pagdating sa wind energy sources

Hinimok ni Makati Rep. Luis Campos ang bagong administrasyon na hilingin na sa Norway ang pag-develop sa West Philippine Sea bilang ‘source’ ng malinis at renewable offshore wind energy.

Ang suhestyon ng kongresista ay kaugnay na rin sa pledge ng Norway kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutulong sila sa pag-develop ng wind at iba pang renewable energy resources ng Pilipinas.

Ayon kay Campos, ang kapakinabangan ng ‘offshore wind farms’ ay mas mabilis itong maitatayo dahil wala itong land use at right-of-way issue.


Naniniwala ang kongresista na ang offshore wind farms sa West Philippine Sea ay tumutugma sa ‘long-term plans’ para paunlarin ang teritoryo bilang ‘energy hub’ ng bansa.

Makakatulong aniya ang development ng ‘wind power’ sa bansa para suplayan ang tumataas na demand ng kuryente gayundin ay dagdag trabaho rin ito para sa mga Pilipino.

Sa kasalukuyan, ang 150 MW wind farm sa Burgos, Ilocos Norte ang pinakamalaking wind power producer sa buong Timog Silangang Asya.

Facebook Comments