Pamahalaan, pinapagaan na ang epekto ng inflation sa presyo ng basic commodities

Manila, Philippines – Gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan para maibsan ang epekto ng inflation sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Base sa may 2018 inflation, umabot ito sa 4.6%.

Sabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, may inihahanda nang tulong ang gobyerno sa mga mahihirap na Pilipino.


Ayon naman kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, asahan na ang pagbaba ng inflation dahil sa pagdating ng inangkat na bigas na magreresulta sa 27 hanggang 30 pesos na presyo kada kilo.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Department of Agriculture (DA) para lagyan ng Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng mga bigas, mais, karneng baboy, baka at manok.

Facebook Comments