Target ng pamahalaan na mabayaran ang kahit kalahati ng utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kasunduan hinggil sa pagbabayad ng utang ng PhilHealth ay nasa “highest level” na, lalo at nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ang outstanding balance.
“We hope to settle at least 50% of that amount as soon as possible and the rest also within a reasonable time,” ani Roque.
Dagdag pa ni Roque na umaasa si Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ng PRC ang pagsasagawa nito ng COVID-19 tests kahit hindi pa nababayaran ang utang.
Pagtitiyak pa niya na hindi mauubusan ng pondo ang PhilHealth dahil sa Universal Health Care Law.
Nabatid na aabot sa ₱930 million ang utang ng PhilHealth sa PRC mula sa isinagawang COVID-19 tests.