Pamahalaan, planong bumili ng booster shots para sa COVID-19 – Galvez

Ikinokonsidera ng pamahalaan na bumili ng booster shots kaysa bumili ng karagdagang Moderna COVID-19 vaccines.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang Moderna ay nagde-develop ng booster shot na maaaring gamitin kasama ng CoronaVac ng Sinovac Biotech o Sputnik V ng Gamaleya.

Ang booster ay maaaring gamitin kahit sa ibang brand ng bakuna at inaasahang darating sa Setyembre o Oktubre.


Sa halip na bumili ng karagdagang limang milyong doses ng Moderna vaccines, bibili na lamang ang gobyerno ng booster shots.

Pagtitiyak din ni Galvez na hindi napapag-iwanan ang Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa COVID-19 vaccination drive.

Sa kabila ng limitadong supply ng COVID-19 vaccines sa first at second quarter ng taon, ang Pilipinas at pang-apat sa Southeast Asian countries na may pinakaraming naiturok na COVID-19 vaccine.

Facebook Comments