MANILA – Tinatalakay na sa house ways and means committee ang tax reform package ng Duterte Administration na target na maipatupad simula sa July 2017.Ang naturang package ay nasa ilalim ng house bill 4774 na inihain sa kamara ng chairman ng komite na si Rep. Dakila Carlo Chua, na nakabatay sa isinumiteng proposal ng Department of Finance.Kasabay nito, pinuna naman House Deputy Speaker Miro Quimbo na bakit manghihingi ng buwis ang gobyerno gayung hindi naman tiyak na nakokolekta at nagagastos ng tama ang kasalukuyang buwis.Iginiit ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, na sasabayan nila ito ng reporma para makolekta ng tama ang buwis.Aminado naman si Chua na maaapektuhan nito ang mga mahihirap sa kanilang panukala.Kabilang sa reporma sa pagbubuwis na isinusulong ng gobyernong Duterte ay ang pagpapababa ng income tax depende sa bracket ng sahod.Base sa panukala, ang sumusweldo ng P250,000 kada taon ay wala nang income tax.Kasama rin sa reporma ang pagpapataw ng mas mataas na excise tax sa produktong petrolyo, pero gagawing staggered ang implementasyon nito hanggang sa January 2019.Ang premium at unleaded gas ay itataas sa P7 ang excise tax kada litro ngayong taon, samantalang magiging P9 sa 2018 at P10 sa 2019.Ang diesel at LPG ay mapapatawan na ng excise tax na P3 kada litro umpisa ngayong 2017, at magiging P5 ito sa 2018 at P6 na sa 2019.Tiniyak rin rito na hindi na aalisan ng VAT exemption ang mga senior citizens at PWDs, taliwas sa orihinal na proposal ng DOF.
Pamahalaan – Planong Ibaba Ang Personal Income Tax, Mawawalang Pondo – Babawiin Sa Ibang Buwis
Facebook Comments