Pamahalaan, planong magkaroon ng pilot sites para sa face-to-face classes – DOH

Plano ng pamahalaan na magkaroon ng pilot sites para sa face-to-face classes.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang planong ito ay napag-usapan na kasama ang ilang child health experts, Philippine Pediatric Society at Technical Advisory Group.

Hinihintay na lamang nila ang approval ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil dito, at kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Matatandaang tinutulan ni Pangulong Duterte noong nakaraang buwan ang pagbubukas ng limited face-to-face classes dahil sa banta ng COVID-19 variants.

Facebook Comments