Mag-aangkat din ang gobyerno ng bakuna para sa mga 17-anyos pababa sa sandaling aprubahan na ito ng vaccine expert panel.
Ito ang tiniyak ni Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa harap ng ulat na maaari na ring ipagamit ang ilang US brand vaccine sa nasabing age bracket.
Ayon kay Galvez, hindi nawawala sa kagustuhan ng pamahalaan na maprotektahan maging ang mga kabataan sa harap ng pinalalakas na vaccination program ng gobyerno.
Ang kailangan lang ayon kay Galvez ay direktiba o approval na magmumula sa Food and Drug Administration (FDA) at sa vaccine expert panel.
Rekomendado ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos ang Pfizer COVID-19 vaccine na ipaturok na sa edad 12 hanggang 15 taong gulang.
Facebook Comments