Pamahalaan, sinigurong hindi mag-aangkat ng bigas sa panahon ng anihan

Nilinaw ng Malacañang na hindi mag-aangkat ng bigas ang Pilipinas kasabay ng harvest season, upang hindi maapektuhan ang ani ng mga local farmers.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod nang inihaing resolusyon sa Senado na nagpapabawi sa Executive Order no. 135 na nagbababa ng taripa sa imported na bigas sa loob ng isang taon.

Ayon sa kalihim, noong 2020, hindi sapat ang bigas sa bansa, at nahirapan tayong mag-import, dahil inuna muna ng mga rice exporting countries na i-secure ang kanilang supply, lalo’t mayroong pandemiya.


Aniya, 10% lamang naman ng shortfall sa supply ng bigas sa Pilipinas ang pupunan o kailangang angkatin mula sa ibang bansa.

Bukod dito, binigyang diin ng kalihim na ipapatupad lamang ang pagaangkat na ito, pagkatapos ng harvest season, upang hindi maapektuhan ang presyo ng bentahan ng mga Pilipinong magsasaka.

Facebook Comments