Pamahalaan, sisimulan na ang paggamit ng plug-in hybrid electric vehicle — DOE

Inanunsyo ng energy department na uumpisahan na ng pamahalaan ang paggamit ng plug-in hybrid electric vehicle (PHEV).

Ayon kay energy secretary Raphael Lotilla , paunang isang unit ang ipagagamit sa pamahalaan para ma-i-promote ang nasabing uri ng sasakyan.

Kinumpirma naman ni Lotilla na mula noong nakalipas na buwan ay may mga nakapagparehistro na para sa paggamit ng PHEV.


Naglagay na rin aniya ang DOE ng 96 na commercial EV charging stations mula pa nitong December 2023.

Facebook Comments