Pamahalaan, target maabot ang population protection laban sa COVID-19 sa NCR bago matapos ang Nobyembre 2021

Target ng pamahalaan na makamit ng NCR Plus areas ang population protection laban sa COVID-19 sa November 27, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang layuning ito ay kaakibat ng mas mabilis at mas maraming mababakunahang Pilipino.

Kaya asahan na aniya ang pagdating ng mas malaking volume ng COVID-19 vaccine sa bansa sa susunod na buwan.


Nilinaw rin ni Roque na nananatili pa ang naunang target ng pamahalaan na bago matapos ang 2021 ay mabakunahan ang 58 milyong Pilipino sa buong bansa.

“Hindi po nabago ‘no. Ang sinasabi natin November 27 nga po iyong target natin for population protection sa Metro Manila but we’re still aiming na 58 million nationwide before end of the year.” ani Roque

Muli namang nanawagan si Roque sa publiko na umiwas pa rin sa mga aktibidad o super spreader event, sumunod sa mga health protocol at magpabakuna na sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments