Target ng administrasyong Duterte na mabakunahan ang lahat ng adult population laban sa COVID-19 bago ang May 2022 election.
Ito ay sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kaya pinabibilisan ang vaccination rollout ay para masigurong magkaroon ng proteksiyon ang adult population at makaboto sa Mayo.
Aniya, ipinauubaya naman nila sa Commission on Elections (COMELEC) kung paano nila matitiyak ang kaligtasan ng mga botante sa mismong araw ng eleksyon.
Sa ngayon, nasa 54 milyon na ang nabakunahan sa bansa laban sa COVID-19.
Facebook Comments