Target ng Depatment of Agriculture (DA) na maglagay ng Kadiwa outlets sa bawat munisipalidad sa buong bansa.
Sa Pre-SONA briefing, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ito ay para direkta nang maibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga ani sa publiko at hindi na dumaan pa sa middlemen.
Makabibili rin aniya ng mas murang mga produkto at pagkain ang mga consumer sa pamamagitan nito.
Gayunpaman, sinabi ni Laurel na kailangang mag invest sa agricultural post harvest facilities, cold storages, warehouses, at bigyan ang mga magsasaka ng low interest loans.
Tiwala naman si Laurel na mabibigyan sila ng Kongreso ng sapat na pondo para maipatupad ang mga proyektong ito.
Facebook Comments