Pamahalaan, target makalikha ng 2.4 hanggang 2.8 milyong trabaho ngayong 2021

Target ng pamahalaan ng makalikha ng 2.4 hanggang 2.8 milyong trabaho ngayong 2021 bilang bahagi ng employment recovery strategy para mabawasan ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa hanay ng mga manggagawa sa bansa.

Kahapon, February 5, lumagda sa Joint Memorandum Circular (JMC) sa paglikha ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force ang iba’t ibang kagawaran kabilang ang; Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Transportation (DOTr), Department of Tourism (DOT), Department of Budget and Management (DBM), Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Science and Technology (DOST) at maging Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, bagama’t inaasahan na unti-unting makababawi ang sektor ng paggawa ngayong taon, inaasahan din na madagdagan ang puwersa ng mga manggagawa sa 2022 dahil magtatapos na ang first batch ng mga mag-aaral sa K-12 program.


Matatandaang nitong October 2020 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumitaw na nasa 8.7% o 3.8 milyon ang unemployment rate sa bansa.

Mas mababa na ito sa record-high 17.7% unemployment rate o 7.2 million jobless adults na naitala noong Abril 2020, kung saan ipinatupad ang lockdown dahil sa COVID-19.

Facebook Comments