Pamahalaan, tiniyak ang tuloy-tuloy na tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Tiniyak ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na tulong sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Kasabay ito ng itinaas na Signal Number 3 sa northern portion ng Palawan kasama na ang Cagayancillo at Cuyo Islands.

Ayon kay acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, nagpapatuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga food packs sa mga indibidwal na naapektuhan ng bagyo.


Umabot na sa of 83,026 pamilya o 332,855 indibidwal ang lumikas dahil sa bagyo na nanggaling sa Region 6, 7, 8, 9 at Caraga.

Habang nasa 989 displaced families at 14,680 indibidwal ang nasa loob ng 192 evacuation centers sa Region 5, 6, 8, 10 at Caraga.

Facebook Comments