Nagpapatuloy hanggang ngayon ang pag-aaral ng mga eksperto abroad hinggil sa pagkakaroon ng booster shot para sa mga barang edad 12-17 taong gulang.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na sa ngayon ay wala pang sapat na ebidensya para sa pangangailangan na bigyan ng booster shot ang nabanggit na age group.
Ani Vergeire, pinag-aaralan pa rin ng international experts ang safety at yung maibibigay na effectiveness ng bakuna saka sakaling gagawin na nga ito sa mga bata.
Kasunod nito, tiniyak ng opisyal na nakahanda ang pamahalaan anuman ang maging findings ng pag-aaral ng mga eksperto.
Aniya, mayroong pondong inilaan ang gobyerno kung aprubahan ng mga eksperto ang pagtuturok ng booster shot sa mga bata.