Pamahalaan, tiniyak na hindi mawawala ang bakuna na para sa Pilipinas sa kabila ng pagkaantala sa pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccine ng Pfizer

Hindi mawawala ang bakuna na para sa Pilipinas mula sa COVAX Facility.

Ito ang pagtitiyak ngayon ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. kasunod ng pagkaantala ng pagdating sa bansa ng anti-COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility.

Nabatid ngayong kalagitnaan ng Pebrero sana darating sa bansa ang bakuna ng Pfizer mula sa COVAX Facility pero naantala ito dahil sa ilang kasunduan na kailangan ayusin ng pamahalaan.


Una nang binatikos ni Sen. Panfilo Lacson ang pagkakaantala ng bakuna kung saan sinabi nito na kanyang tweet na posibleng mawala sa Pilipinas ang 44 milyong libreng bakuna dahil sa indemnity issue.

Pero ayon kay Galvez, wala namang sinasabing ganon ang COVAX Facility kung saan posibleng isang linggo lamang na maaantala ang pagdating ng bakuna sa bansa.

Sa ngayon ay tinatapos na ng mga abogado ng gobyerno ang indemnity agreement upang wala nang balakid sa pagdating ng bakuna sa Pilipinas.

Facebook Comments