Pamahalaan, tiniyak na ibabalik sa mga pinaka-apektadong sektor ang buwan na nakokolekta mula sa mataas na presyo ng produktong petrolyo

Siniguro ng pamahalaan na ibabalik sa mga pinaka-apektadong sektor, ang buwis na naku-kolekta nito mula sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Tugon ito ni Finance Secretary Benjamin Diokno nang tanungin kung saan huhugutin ng gobyerno ang pondo para sa pagpapatuloy ng fuel subsidy program sa ilalim ng Marcos administration.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na dahil naka-set na ang buwis para sa petroleum products, nagkakaroon ng karagdagang revenue ang bansa, kasabay ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.


Ibig sabihin, ang makukuhang buwis ng pamahalaan mula sa mas mataas na presyo ng langis, ay ibabalik sa publiko o gagamitin ito para sa fuel subsidy ng mga pinaka-apektado ng oil price hike.

Inaasahan na sa unang linggo ng Hulyo, maku-kumpleto ang unang tranche ng fuel subsidy.

Una na ring sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na palalawigin pa ng gobyerno ang sakop ng programang ito, kung saan mapapabilang na rin ang mga tricycle drivers sa mga makakatangap ng ayuda.

Facebook Comments