Siniguro ng Malacañang, na nakatutok ang gobyerno sa kalagayan ng mga Pilipinong lumilikas mula sa Gaza.
Ito ay matapos na itaas na sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa lugar dahil sa mas tumitinding giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, mayroong 131 Pilipino sa Gaza.
108 dito ay malapit sa Southern Gaza border, 23 ay nasa delikadong sitwasyon.
78 Pilipino sa kabuuang 131 na Pilipino sa Gaza ay nanatili ngayon sa Rafah border patawid malapit sa Egypt.
Panawagan ng palasyo sa publiko, na huwag magpapakalat nang anumang mga hindi kumpirmadong ulat sa halip ay ibatay lamang ang impormasyon sa mga advisories na inilalabas ng mga ahensya ng pamahalaan.
Facebook Comments