Pamahalaan, tiniyak na patuloy na paiiralin ang diplomasya sa gitna ng tumataas na tensyon sa WPS

Tiniyak ng administrasyong Marcos na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng diplomatikong pamamaraan sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Security Council Assistant Director Gen. Jonathan Malaya na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maresolba ang usapin sa mapayapang paraan.

Ayon kay Malaya, wala sa interes ng Pilipinas ang makipag-giyera at ito rin marahil ang iniisip ng mga kaibigang bansa maging ng China.


Nauna na aniyang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang ang naaangkop na hakbang ay hindi lamang sumasaklaw sa aspeto ng pagpapalakas ng militar o ng ating defense capabilities na suportado ng mga kaalyadong bansa.

Kabilang din aniya ang diplomatikong solusyon sa counter measure package ng pamahalaan na siyang nabanggit din naman ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments