Pamahalaan, tiniyak na sapat ang hawak na pondo para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente mula Marawi City

176

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamahalaan na sapat pa ang hawak nilang pondo para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente na lumikas mula sa kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo, wala pang natatanggap na foreign aid ang Pilipinas.

Iginiit ni Taguiwalo na wala rin namang pangangailangan para sa anumang ayuda na galing sa ibang bansa dahil sa kontrolado pa ng pamahalaan ang sitwasyon.


Sa tala ng DSWD, nasa mahigit tatlong libong pamilya ang nagpasyang lumikas dahil sa mahigit isang buwan nang bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments