Pamahalaan, tiwalang maaabot ang 1.5 million daily inoculation sa Nobyembre

Kumpiyansa ang pamahalaan na maaabot ng bansa ang 1.5 million daily inoculation target sa susunod na buwan.

Kasunod ito ng pagsang-ayon ng mga Local Government Unit (LGU) na doblehin ang kanilang vaccination rate.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., makakatulong din para maabot ang target daily jabs ang pagsisimula sa Nobyembre nang pagbibigay ng booster shot at third dose ng bakuna sa mga priority groups.


Gayundin ang pinalawig na pediatric vaccination sa mga kabataan na edad 12 hanggang 17 kung saan target ang 12.7 million nilang populasyon.

Sa ngayon, mahigit 26 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 pero malayo pa ito sa target na mabakunahan na 77 million para maabot ang herd immunity.

Facebook Comments