Tiwala ang pamahalaan na maaabot ng Pilipinas ang target na 10 milyong COVID-19 test sa unang quarter ng 2021.
Ayon kay Testing Czar Sec. Vince Dizon, nakapagsagawa na ng 6.5 milyong tests ang pamahalaan at inaasahang madagdagan pa sa mga susunod na buwan.
Umaasa naman ito na mas mapapaayos pa ang kakayahan ng Pilipinas sa COVID-19 testing matapos madagdagan ang bilang ng mga laboratoryo sa bansa.
Matatandaang una nang sinabi ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na target nila ang 60 hanggang 70 milyong Pilipino na makapag-test sa virus na posibleng maganap sa susunod na tatlo hanggang limang taon.
Facebook Comments