Pamahalaan, umaasang magpapatuloy ang downward trend ng COVID-19

Umaasa ang pamahalaan na magpapatuloy lamang ang downward trend ng COVID-19 cases sa bansa habang hinihintay ang bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maayos na pag-manage ng gobyerno sa pandemya.

Aniya, mababa ang mortality rate ng bansa at kakaunti lamang ang critical cases kumpara sa ibang bansa.


Para maiwasan ang muling pagtaas ng kaso, muling nanawagan ang gobyerno sa publiko na sundin ang health protocols ngayong holiday season.

Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat na magsuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay at sundin ang physical distancing.

Ngayong araw, inaasahang i-aanunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classification para sa buwan ng Disyembre.

Facebook Comments