Pamahalaan, umapela sa business groups na hintayin muna ang EUA para sa pagbibigay ng booster shots

Umapela si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga business group na hintayin muna ang Emergency Use Authorization ng gobyerno bago gamitin ang mga malapit nang maexpire na COVID-19 vaccines.

Ito ay kasunod ng kanilang hiling na gamitin na lamang ang mga bakuna bilang booster shots sa halip na masayang lamang.

Ayon kay galvez, sakop pa lamang sa ngayon ng eua na inilabas ng Food and Drug Administration ang booster doses para sa health workers, senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities.


Aniya, maaaring maapektuhan ang delivery ng Covid vaccines mula sa COVAX facilities sakaling pangunahan nila ang World Health Organization gayong wala pa itong inilalabas na direktiba.

Facebook Comments